MY NEW BLOG: The Ciudadista: Life in the City

Saturday, October 09, 2004

an attempt to write a poem

Below is my attempt to write a Tagalog poem.

Ngayon, nalaman ko kung gaano ka kasamá.
Kaibigan ka lang kung kailangan mo ng kasáma.
Ngunit sa pangangailangan ko natulungan mo ba ako?
May naririnig pa akong masamang salita pagtalikod ko.


Ngayon, wasto lang at nararapat ang pagkamuhi ko sa iyo.
Hindi na kailangang gumanti,
Sadyang kay sama namang tunay ang buhay mo!


Huwag kang aasa na aamuin kita para tayo magkasundo.
Aso lang ang inaamo wala kang matatamo!
Hindi na magbabago ang paningin ko sa iyo,
Isang dating kaibigang puro panloloko.

Luluhod ka ngayon sa lupa?
Hahalikan mo ang talampakan ko?
Manahimik ka inaaksaya mo ang panahon ko!
Huwag kang umasa, ‘di na tayo magkakasundo!


(Literal English Translation)
Now I know how really bad you are
You’re only a friend if you need a companion
But when I'm in need have you even helped me at all?
I also hear bad things from you behind my back

Now its right and just to dislike and hate you
There's no need for vendetta,
your miserable life is enough

Expecting me to initiate a gesture for us to be friends again.
(Very Literal) Only dogs get tamed, you won’t be receiving any.

How I feel about you will never change
A former friend, full of deceit.

Now you will kneel before me?
Kiss even my feet?
Shut, up you’re wasting my time.

Don’t expect we’ll be friends again.