MY NEW BLOG: The Ciudadista: Life in the City

Wednesday, June 30, 2004

One of my very first Letters from New Zealand

This was one of my first real letters from New Zealand I sent it to one of my friends back in Manila. This letter was sent through email. I discovered it as it was in my sent messages folders on my webmail. While I read it again I realised how silly I was as I wrote my impressions about people I met and things saw here.

This letter was sent around November two years ago. This was written in Filipino. Pardon for any wrong Filipino grammar or spelling.

Hi ulit,

Kung saan-saan ang pinanggalingan ng mga nagaaral sa university. 80% mga caucasoid na taga rito, sa tingin ko ha. merong taga Hapon, Tsina, Malaysia at ako Pilipino! meron ding mga Maori at mga matatanda. Meron din akong mga alam na may trabaho na. (Alam mo ba yung isang janitor dito may kotse, honda civic ang sasakyan, talo pa ang ibang empleyado diyan sa Pilipinas) Nakakatuwa na ang mga may trabaho na ay nagnanais pang magaral!

Ang tagsibol na nararanasan ng buong Nueva Zelanda ay ang pinakamalamig sa loob ng 20 taon! ayon sa ulat panahon kanina, ang pinakamainit na temperatura bukas ay 15 degrees celcius lang! ang lamig lamig noon! pero gusto ko sa mga malamig na lugar para di na kailangan ng bentilador! at feeling mo nag-e-aircon ka 24/7!

Habang sinusulat ko ito ay naglalaba rin ako. yung labang nabanggit ko ay labang washing machine at dryer. hi-tech na ako! 1.5 oras lang nalabhan at tuyo na ang labada mo! ang maganda dito kasama sa bayad ng hostel ang bayad pero ang sabong panlaba ay siyempre sariling gastos ko. kung interesado ka ang sabong ginagamit ko ay FAB with
Built-in Fabric Conditioner (Wild Lavander Fragrance) (1.5 kilos) gawa ng Colgate-Palmolive N.Z.

HETO PA: Kanina nanonood ako ng TV sa mga TV rooms dito, TV One ang pinanonood ko kanina. Tungkol sa "Confessions of A Flight Attendant" alam mo ba merong umamin na nilagyan niya ng gin yung gatas ng bata para lang makatulog! Meron pinahid yung tea bag sa inidoro bago gumawa ng tsaa!

Habang nanonood ako merong nakatira ditong mga Indonesian at niyayaya akong kumain! Dahil kumain na ako ayoko na talaga. Kanina nakita ko sa ref na merong parang chili sauce at nakita kong Made in Indonesia. Hindi ko talaga maisip kung ano ang lasa ng luto nila! yuk siguro! kaya sabi ko, thanks nalang! Yuck talaga siguro ang South-East Asian food in general (siyempre hindi kasama luto natin), sobrang anghang siguro! Yuck, yuck yuck!
[Now, I know and realise that South East Asian dishes are NOT yuck.]

Kanina ang hapunan namin ay lasagne, patatas, kanin, meat balls.

Ano pa ba ang masasabi ko sa iyo...?

Maraming bata ngayon dito (10-12 taong gulang) 'Summer Camp' daw nila dito hanggang Biyernes. Medyo maingay sila pero kids will still be kids. Ikaw nga eh alam ko noong bata ka ayaw kang isama sa mga slumber party kasi palagi kang kumakanta ng mga Dolly Parton, the Platters at Yoyoy Villame na mga kanta na sintonado naman at kumakanta ka habang tulog. (joke lang ha, baka patayin mo ako paguwi ko.)

Meron pala akong nakilala dito. Isa siyang Indian muslim. Medyo taklesa siya at medyo matalas ang kanyang dila. Alam mo ba muntik-muntikan ng narinig ng mga taong sinasabi niyang "dumb" o "stupid" sila! Ramadan pala ngayon kaya nag-fa-fast daw siya pero merong mga araw na hindi daw siya nag-fa-fast, again sabi niya. Ang weird no!

bye for now,
me